pixel

Red Dragon

2009.06.27





Soneto sa Tutubi
by Ezzard R. Gilbang


Tutubi, tutubi, bakit ka naligaw,
sa bakal na suhay, sa tansong kalabaw,
iskwater na burol, look na imburnal,
amihang may usok na itim ang kulay?

Tutubi, tutubi, huwag kang dadapo,
sa patay na pusang nabasag ang bungo,
sa luray na tiklis, sa usli ng pako,
sa lawit na taling may pagkit at baho!

Tutubi, tutubi, nais bang magbalik
sa lawang dalisay ang bulong ng tubig,
sa dahong luntiang may ugoy sa ihip
ng hanging may dapyong kaytamis ng awit?

At kapag pakpak mo’y hapo na at ngawit,
mata mo’y ipikit, mangarap ng langit.

Bold Text
Italic Text
UnderLine Text
URL Link

Name
URL
Enter the code to the right below
Captcha

Views: 248
Tagged: dragonfly
 
pixel
« 2009.04.20
pixel