|
«
|
|
Hi! This is Zai at welcome sa aking blow-by-blow account ng IT Night with pictures, fazz, jazz and galore!
Eto ko wearing my red orange dress na may sequin-infested belt. Ngayon lang ako nagsuot ng tube na dress sa buong talambuhay ko. Ewan ko ba kung bakit. Gawa siguro ng sobrang excited ko sa IT Night. Madami ngang nagulantang nung nakita ako. Mukha daw akong babae. Mukha daw akong mahinhin. Mukha daw akong HINDI AKO. My gawd. Yung buhok ko krung-krung kasi yung mag-aayos ng buhok ko eh nakipagtanan bigla nung MADALING ARAW. Sinasabi ko sa inyo, wag niyo ipapakita sa kin ang Herodes na yun dahil pinag-IT NIGHT NIYA KO NG GANITO!!!!! *ker-unfair!!* Anyway... Actually, hindi dapat ito ang dress ko. Dapat blue kaso nung nakita ko yung kulay ng kurtina ng STI a few days bago yung event, that instant, nag-decide ako mag-change attire. Sa nagtataka kung ano ba ang kulay ng dress na dapat isusuot ko........ |
YAN! GANYAN NA GANYAN ANG KULAY NG ISUSUOT KO DAPAT!
Maraming salamat sa mga organizers ng event dahil DAYS before pa lang eh na-warningan niyo ko na kakulay ko yung kurtina. Never na ko magsusuot ng ROYAL BLUE ANYTHING sa event ng STI. BLUE AND YELLOW = WAG PO, WAG PO! Buti na lang walang may damit na kakulay ng table cloth. Anyway, eto yung boys bago magstart yung event. Mga maaayos pang tingnan. Sayang hindi kita yung coat ni Neil dahil sobrang bagay sa kanya. |
Eto naman ang EXCITED at ENERGETIC na si Cathy na walang ginawa kundi tumili pag na-eexcite.
Maganda yung dress niya. Kasama ako nung binili namin yan. At kasama din ako magsukat ng limpak-limpak na damit na kay mamahal. Ang daming sinukat, iisa ang binili. Makapal ang mukha namin? News flash: MATAGAL NA. |
Eto ang close up. Ewan ko ba.
|
Eto si Ruby at ako habang hinihintay naming matapos kumain sina Russel at Jhem.
Oo, whiteboard ang nakikita niyo. Oo, nasa classroom kami. Oo, KINAPOS ng space ang school kaya ginawa na ding eating area yung classrooms sa nursing department. Oo, sa school ginanap ang IT Night. Moving on, gusto ko yung damit ni Ruby. Kamukha nung damit ni Heart Evangelista as Celestina sa Luna Mystika. Wala lang. Maganda talaga, pramis. From time-to-time eh makikita niyo na kinukutingting ni Ruby yung mga "electric pleats" nung damit ko. Ewan ko ba. Aliw na aliw siya sa damit ko. |
Eto naman sina Gem at Rolan. Palagay ko hindi kanila yung sumbrero kasi bawal ata isuot. Baka basa ang buhok or what kasi parang ayaw ilapat sa ulo. Ewan ko ba sa mga yan.
|
ZOMFG AHLURV THIS SHOT!!
Sayang. Sana naka-high resolution yung camera. |
Andrea and Cathy looking especially pretty that night.
Ipinagmalaki nila sa kin na sila lang ang nagkulot at nag-make up sa mga sarili nila. Fine. Mag-aaral na din akong ayusin ang itsura ko; ayusan ang sarili ko para next time makapagmalaki din ako. |
Eto ang attendance photo namin na hindi nakunan si Darren sa tabi ni Marvin.
Hindi niyo na makita yung mukha nung mga nasa mid at last layer. Susmaryosep. Bakit may lumulutang na damit sa tabi ko? JOOOOOOOOOOOOOOOOKE. Ewan ko ba sa mga SAPAK kong kaklase kung bakit hindi i-set sa night mode yung mga pinagpipitagan nilang camera! Pasalamat ako hindi nagkulay-berde yung balat namin. Lowbatt na kasi yung phone ko start pa lang ng event. Demonyong cel. Walang pakisama. Pero kung inaakala niyong madilim ang kuha na 'to, malamang ay matutuwa kayong makipaghulaan sa kung sino ang mga susunod na aninong makikita niyo!! Ready? |
Sa maniwala kayo at sa hindi, si Joren at Andrea yan.
|
At eto si Andrea at Cathy!
|
At eto si Joren, Andrea at Cathy pag MALIWANAG ANG KUHA!!!!!
|
Eto si Andrea at Cathy at si Joren pag nagmukha siyang kamay.
Kay Joan yata yang kamay na yan. |
Eto naman si Jhem at ako na gumagawa ng kung anu-anong signs sa karimlan.
|
Eto naman ako habang sinasakal ni Marvin. Palagay ko killer dati to eh.
|
Eto ako at si Marvin. Top view na kuha. Salamat kay Enteng at sa masalimuot na magandang Cybershot Ericsson Eklavuh ek ek camera ni Nikko.
|
Ako ulit at si Amvin. Akala ata niya madilim pa rin at hindi makikita yung mukha niyang yan.
GAAAAAAAAAWD! |
Eto si Jhem looking so glamorosa that night!!!!!
|
Rhanz, Jhem and Zai camwhoring.....................
|
.............................
..................................... ..................... Epal namin sa cam, noh? |
AND CUT! That's a wrap!
In short, tinatamad na kong mag-type~!! |
|
|
Very nice set , although the snapshot comes from a phone camera? i did show well..anyways is that a high school ball? Cheers ! ingatz.. Best regards , rob
blackhawk1552 · 2009-08-22: 15:05
|
|
«
|
|