Red Dragon

by Sato Tsuma June. 27, 2009 5321 views

Soneto sa Tutubi [fil.wikipilipinas.org]
by Ezzard R. Gilbang


Tutubi, tutubi, bakit ka naligaw,
sa bakal na suhay, sa tansong kalabaw,
iskwater na burol, look na imburnal,
amihang may usok na itim ang kulay?

Tutubi, tutubi, huwag kang dadapo,
sa patay na pusang nabasag ang bungo,
sa luray na tiklis, sa usli ng pako,
sa lawit na taling may pagkit at baho!

Tutubi, tutubi, nais bang magbalik
sa lawang dalisay ang bulong ng tubig,
sa dahong luntiang may ugoy sa ihip
ng hanging may dapyong kaytamis ng awit?

At kapag pakpak mo??y hapo na at ngawit,
mata mo??y ipikit, mangarap ng langit.

  Be the first to like this post
Join the conversation
0
Be the first one to comment on this post!
Up
Copyright @Photoblog.com